Bawal Gumamit ng Sirena o Wang-wang at “Blinkers”

Hindi pa rin pinapayagang gumamit ng sirena o wang-wang at blinker ang mga motorista sa buong bansa. Paliwanag ni PNP-HPG Director Police Brigadier General Rommel Francisco Marbil na malinaw sa batas na bawal ikabit ang blinker at sirena o wang-wang sa mga hindi awtorisadong sasakyan.

Hindi rin awtorisadong gumamit ng sirena o wang-wang at blinker ang mga naturang ahensya sa Ilalim ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) tulad ng LTO, LTFRB at MMDA ayon kay Marbil, ngunit ang Land Transportation (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) gayundin ang MMDA ay pinapayagang gumamit neto sa panahon ng emergency tulad ng pagtugon sa kalamidad at iba pang operasyon tulad ng paglilinis ng kalsada.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 96 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. tanging mga opisyal na sasakyan lamang ng AFP, PNP, NBI, BFP, at ambulasya ang maaaring gumamit ng sirena o wang-wang at blinker. Awtorisado rin ang mga sasakyan ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice na gumamit nito.

Umaasa rin siya na pagtutuunan ng susunod na Kongreso and regulasyon sa bentahan at paggamit ng mga blinker at wang-wang dahil naabuso ang paggamit sa mga ito.

Pagmumultahin ng P5,000 at babawiin ang lisensya ang mga lalabag dito.

Leave a comment