Motorcycle Rider na nagviral, Binawian ng Lisenya

Agad na inatasan ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector ang LTO na kilalanin at panagutin ang driver ng motorsiklo na nagviral kamailan. Sa isang video na in-upload ng mobility website na Visor sa social media, napag-alamang si Romeo M. Morales na sakay sakay ng Yamaha motorcycle na may plaka numero NG87047 ay muntik ng mabangga ang siklista na dumadaan sa bicycle lane sa Quezon City. Binalak ni Morales na mag-overtake na hindi alintana ang kaligtasan ng nasabing siklista, na nagresulta sa kanilang mainit na pagtatalo.

Binawian ng propesyonal na lisenya ang motorcycle rider na si Morales ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa patong patong na paglabag sa road transport rules.

Naglabas ang LTO ng show cause order na nag-utos kay Morales na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) para sa pagdinig ng kaniyang kaso. Hindi naman itinanggi ni Morales ang kaniyang mga nagawa noong araw ng insidente.

Nahaharap sa patong patong na paglabag si Morales matapos mapatunayang administratibong pananagutan para sa walang ingat na pagmamaneho at pagharang sa trapiko sa ilalim ng Sec. 48 at Sec. 54 ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Ipinag utos din sa LTO na bawiin ang lisensiya sa pagmamaneho ni Morales dahil sa pagiging “walang disiplina sa pagpapatakbo ng sasakyang de-motor” at alinsunod sa Section 27 ng Republic Act 4136.

Ang LTO ay nagpataw kay Morales ng kanya-kanyang multa sa halagang PHP2,000 at PHP1,000 para sa mga paglabag nito.

Inatasan din siya na agad na ilipat ang pagmamay-ari ng ginamit na motorsiklo sa ilalim ng kanyang pangalan sa loob ng 20 araw kapag natanggap ang nasabing resolusyon.

Leave a comment